Doctor at bisor nagbarilan, parehong patay
July 24, 2001 | 12:00am
Parehong dead on the spot matapos na magbarilan ang isang dentista at supervisor ng San Miguel Corporation makaraang magkasalubong sa harapan ng isang istasyon ng bus sa Calbayog City, Samar, kamakalawa.
Kinilala ang dalawang nasawi na sina Dr. Paul Tamayo, isang dentista, ng Rama Street, Extension, Brgy. East Awang, ng nasabing lungsod at Ferdinand Mascore, supervisor ng San Miguel Beer Corporation na nakabase sa Visayas at residente rin ng nabanggit na lugar.
Sa ulat na nakarating kahapon sa Camp Crame, aksidente umanong nagkita ang dalawa dakong alas-3:00 ng madaling araw sa bisinidad ng Philtranco Bus Sub-Office sa JD Avelino St., Brgy. West Awang sa nasabing lungsod at sa hindi nabatid na dahilan ay nagkaroon ng mainitang pagtatalo.
Ilang minuto pa ang nakakaraan ay dalawang magkasunod na putok ng baril ang narinig ng mga bystanders at tumambad sa kanilang harapan ang duguang katawan ng dalawa.
Hanggang sa kasalukuyan ay masusi pa ring iniimbestigahan ng pulis ang motibo ng pagbabarilan ng dalawa na hinihinalang nag-ugat sa matagal ng hidwaan sa pagitan ng mga ito. (Ulat ni Joy Cantos)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest