Balak na pagpuga ni Janjalani nabuking
July 24, 2001 | 12:00am
ZAMBOANGA CITY Nadiskubre kahapon ng mga guwardiya ng Bureau of Jail Management and Penology sa Zamboanga City Reformatory Center ang tangkang pagtakas ni Hector Janjalani at iba pang miyembro ng bandidong Abu Sayyaf mula sa kanilang selda sa pamamagitan ng pagbutas ng pader sa ikalawang palapag ng nabanggit na kulungan.
Napag-alaman sa ulat ni BJMP Region 9 Director P/Supt. Leopoldo Morante na nadiskubre ang pagbutas ng pader dakong alas-6:30 ng gabi sa selda 3 na pinagkukulungan ni Janjalani, nakatatandang kapatid ni Khadaffy Janjalani.
"Hindi pa gaanong malaki ang butas na likha ng improvised barbel na binunggo sa pader para magkaroon ng butas," ani Morante.
Pansamantalang inilipat si Janjalani at iba pang kasamahang miyembro at supporters ng Abu Sayyaf sa ibang selda ng naturang bilangguan.
Natuklasan din ng mga alertong guwardiya ang halagang P130,000 na pinalusot ng mga bumibisitang malapit na kamag-anakan ni Janjalani upang ipamahagi sa mga preso bilang suhol para hindi kumanta sa gagawing pagtakas ni Janjalani at iba pang miyembro ng Abu Sayyaf.
Sa kasalukuyan ay humingi na ng tulong ang pamunuan ng BJMP sa tropa ng militar upang pag-ibayuhin ang pagbabantay sa loob at labas ng nabanggit na kulungan.
Gayunpaman, nagbabalang muli si Abu Sayyaf Spokesman Abu Sabaya na kanyang pupugutan ang mga bihag kapag hindi tumugil ang tropa ng militar sa patuloy na crackdown operation laban sa kanilang grupo.
Ang panawagan ni Sabaya ay isinahimpapawid ng isang local radio na hindi live kasabay na sinabi ni Sabaya na nagdaos siya ng ika-39 na kaarawan. (Ulat nina Rose Tamayo at Roel Pareño)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest