2 coed tinamaan ng ligaw na bala, grabe
July 23, 2001 | 12:00am
LUCENA CITY Dalawang estudyanteng babae ang malubhang nasugatan matapos na tamaan ng ligaw na bala ng baril ng 12 gauge shot gun na aksidenteng pumutok habang nililinis ng isang security guard sa AE Building na sakop ng Enverga University, Barangay Ibabang Dupay sa lungsod na ito kamakalawa ng umaga.
Ang mga biktima na pawang nagtamo ng mga sugat sa ibat ibang bahagi ng katawan na ginagamot sa Andaman General Hospital ay nakilalang sina Ana- marie Patricio, 17 ng Perez St. at Reylyn Vargas, 18 ng Capistrano Subdivision, Barangay Gulang-Gulang.
Boluntaryo namang sumuko sa himpilan ng pulisya ang nakabaril sa kanilang security guard na si Albert Mabuting, 24, empleyado ng Kings Security Agency at residente ng Barangay Ipilan, Pagbilao, Quezon.
Sa isinagawang imbestigasyon ng pulisya, dakong alas-9:15 ng umaga ay nililinis ng naturang sekyu ang kanyang service 12 gauge shotgun subalit sa di inaasahang pagkakataon ay aksidenteng pumutok at ang bala ay tumama sa dalawang biktima na noon ay naglalakad lamang. (Ulat ni Tony Sandoval)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended