Napag-alaman sa ulat ng pulisya na ang mga puslit na bigas ay inilulan sa isang barkong may markang M/V GEMA buhat pa sa Maynila at nasabat dakong alas-9:30 ng gabi habang inilululan sa 12 truck papalabas ng nabanggit na pier.
Nabatid pa sa ulat na naka-consign ang mga puslit na sako ng bigas sa isang nagngangalang Ricardo Corral, isang negosyante mula sa Sorsogon.
Wala namang maipakitang mga dokumento mula sa Bureau of Custom partikular na ang Bill of Landing at Roll Book ang mga pahinante at driver kaya ipinag-utos ni P/Insp. Nilo Berdin, hepe ng pulisya sa bayang ito na pansamantalang ilagay sa compound ng Tabaco City PNP station.
Idinagdag pa ni Berdin na ang nabanggit na barko ay basta na lamang naglayag papalayo ng nabanggit na pier ng walang pahintulot ng Phil. Coast Guard at Phil. Port Authority.
May teorya ang pulisya na kapag naipuslit ang mga sako ng bigas ay ipagbibili ang mga ito sa mga negosyante na nakabase sa Bicol upang ipagbili naman sa mataas na presyo. (Ulat ni Ed Casulla)