4 bangag na Abu,nasakote sa engkuwentro
July 22, 2001 | 12:00am
Apat pang miyembro ng mga bandidong Abu Sayyaf Group na umanoy bangag sa droga ang nasakote ng mga operatiba ng militar matapos abandonahin ng kanilang mga kasama sa isang enkuwentro sa lalawigan ng Sulu, kamakalawa.
Ang mga nadakip ay kinilalang sina Mastahar Apipuddin, Pulido Lamparak, Manggal Panguma Tammad at Nuro-in Ulangutan.
Sa ulat na nakarating sa Camp Aguinaldo, dakong alas-5 ng hapon nang makasagupa ng tropa ng 23rd Reconnaisance Special Company (RSC) mula sa 104th Infantry Battalion ng Phil. Army ang may 20 hinihinalang miyembro ng Abu Sayyaf sa North Laud, bayan ng Siasi sa Sulu.
Tumagal din ng mahigit 30 minuto ang pagpapalitan ng putok ng magkabilang panig hanggang sa tuluyang makatakas ang mga bandido na pinamumunuan ng isang Commander Andil patungo sa masukal na bahagi ng nasabing lugar.
Naiwan namang tulala at sinasabing bangag sa shabu ang apat na nabanggit na mga bandido kung kayat madaling nasakote ng mga sundalo.
Nasamsam mula sa mga ito ang 13 plastic sachet ng shabu at isang mahabang magazine ng bala para sa M-16 rifle.
Samantala, umaabot na sa 84 miyembro ng Sayyaf ang naaresto simula nang ilunsad ng pamahalaan ang "massive crackdown" laban sa mga bandido sa Western Mindanao, partikular na sa lalawigan ng Sulu at Basilan.
Gayunman, apat-naput-apat pa lamang sa mga suspek ang pormal na sinampahan ng kaukulang kaso kabilang na sina Hector Janjalani, kapatid ng lider ng Abu Sayyaf na si Khadaffy Janjalani at Nadzmie Sabdullah, alyas Kumander Global, ang chief of staff ng bandidong grupo.
Nilinaw ng militar na ang mga nadakip ay may kani-kanyang warrant of arrest dahil na rin sa kasong kidnapping, murder, illegal detention at illegal possession of firearms. (Ulat ni Joy Cantos)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended