^

Probinsiya

16 katao nalambat sa jueteng

-
CABIAO, Nueva Ecija — Tinatayang aabot sa labing-anim katao ang naaresto ng pinagsanib na puwersa ng Nueva Ecija PNP at mga ahente ng National Bureau of Investigation (NBI) sa isinagawang biglaang pagsalakay sa isinasagawang bolahan ng jueteng kahapon sa Barangay Barrio Maligaya ng bayang ito.

Kinilala ang mga suspek na lumabag sa PD1602 at ngayon ay nasa punong tanggapan ng NBI sa Manila ay sina Joselito Civillo, Rogelio Cumbre, Eldie Montano, Richard Doromal, Luis Garcia, Jerry Cunanan, Larry Cruz, Randy Garcia, Wilfredo Gabino, Lucito Lopez, Jose Longalong, Victor Garcia, Val Santiago, Mauro Pangilinan, Jaime Macandili at Reynaldo Oanes na pawang mga residente ng naturang barangay.

Base sa ulat ng pulisya, bandang 1:00 ng hapon nang isagawa ang biglaang pagsalakay dahil sa may isang linggo nang isinasailalim sa surveillance ng mga awtoridad ang nabanggit na bolahan ng jueteng.

Nakumpiska ng mga awtoridad mula sa pinagbobolahan ng jueteng ang halagang P2,623.00 at iba’t ibang paraphernalia ng nabanggit na sugal. (Ulat ni Christian Ryan Sta. Ana)

vuukle comment

BARANGAY BARRIO MALIGAYA

CHRISTIAN RYAN STA

ELDIE MONTANO

JAIME MACANDILI

JERRY CUNANAN

JOSE LONGALONG

JOSELITO CIVILLO

LARRY CRUZ

LUCITO LOPEZ

LUIS GARCIA

NUEVA ECIJA

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with