^

Probinsiya

3 drug pushers itinumba

-
GAPAN, Nueva Ecija – Tatlo katao na pinaniniwalaang kilabot na drug pushers ang iniulat na pinagbabaril hanggang sa mapatay ng mga hindi kilalang armadong kalalakihan sa tatlong magkakasunod na araw sa bayang ito.

Kinilala ng pulisya ang mga biktimang sina Nemencio Joaquin, 48, alyas Bayawak; Roberto Robledo, alyas Rubledo at Lamberto Pangilina, alyas Tutung na pinatay ng mga pinaniniwalaang grupo ng vigilante na laban sa mga drug pushers.

Sa ulat na isinumite ng pulisya na isinumite kay P/Supt. Anselmo Baluyut, hepe ng Gapan PNP station, si Robledo ay pinatay noong Hulyo 15 habang sina Pangilina at Joaquin ay tinodas noong Hulyo 13 na may nakalagay sa kanilang dibdib sa isang pirasong karton ang katagang "total out war sa mga pushers".

Nabatid pa sa ulat ng pulisya na isinulat na rin ng grupong vigilante ang 10 pangalan ng mga kilabot ng drug pushers na kanilang itutumba sa mga darating na araw. (Ulat ni Christian Ryan Sta. Ana)

vuukle comment

ANSELMO BALUYUT

BAYAWAK

CHRISTIAN RYAN STA

GAPAN

HULYO

JOAQUIN

LAMBERTO PANGILINA

NEMENCIO JOAQUIN

NUEVA ECIJA

ROBERTO ROBLEDO

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with