Iniwan ng lover, obrero nagbigti

Angono,Rizal - Minabuti pa ng isang 21 anyos na lalaki na wakasan na lamang ang kanyang buhay sa pamamagitan ng pagbibigti dahil sa hiniwalayan ng kanyang live-in partner kahapon ng umaga sa bayang ito.

Kinilala ng pulisya ang nag-suicide na si Joel Balda, obrero ng 303 Jasmin St., Brgy. San Isidro ng bayang ito.

Huling nakitang buhay ang biktima na naghahapunan bago magkulong sa kanyang kuwarto

Base sa inisyal na ulat ni SPO1 Edmundo Lorena, may hawak ng kaso, nadiskubre ang bangkay ng biktima dakong alas-6:00 ng umaga na nakabitin sa kisame ng kanilang kuwarto.

Isang suicide note naman ang natagpuan ng pulisya na nagsasaad na: "Paalam sa iyo, kung iniwan mo ako, mas mabuti pang mawala na rin ako."

May teorya ang pulisya na masyadong dinamdam ng biktima ang paghihiwalay nila ng live-in partner kaya nag-suicide.(Ulat ni Danilo Garcia)

Show comments