Pahinante nagulungan ng truck

BACOOR, Cavite – Isang 28-anyos na pahinante ang iniulat na nasawi makaraang aksidenteng magulungan ng ginagawang truck kahapon ng umaga sa Barangay Talaba 7 ng bayang ito.

Ang biktima na idineklarang patay sa St. Dominic Hospital ay kinilalang si Mario Besilan, may asawa at residente ng Barangay Niog, Bacoor, Cavite.

Sa ulat ni PO3 Rodolfo Arboleda kay P/Supt. Maximo Dilla, hepe ng pulisya ng bayang ito, kasalukuyang ikinakabit ng biktima ang linya ng isang kable sa ilalim ng Isuzu Elf truck na may plakang TGJ-182.

Dakong alas-9:00 ng umaga nang maganap ang aksidente matapos na makalimutan ng biktima na lagyan ng pang-kalso ang mga gulong ng naturang truck na kanyang ginagawa. (Ulat ni Cristina Go-Timbang)

Show comments