^

Probinsiya

Sundalo todas sa nag-amok na Sayyaf

-
ISABELA, Basilan – Isang miyembro ng bandidong Abu Sayyaf Group (ASG) ang iniulat na nasawi makaraang pagbabarilin hanggang sa mapatay ng tropa ng militar dahil sa nag-amok na naging dahilan ng pagkamatay ng isang sundalo at ikinasugat naman ng lima katao kamakalawa ng hapon sa itinayong checkpoint sa Barangay Maluso, Basilan.

Kinilala ng mga awtoridad ang nag-amok na pinaniniwalaang miyembro ng suicidal squad na si Maja Jubaile ng Brgy. Maluso at isang tauhan ni Sayyaf lider Khadaffy Janjalani.

Samantala, ang nasawing sundalo ay kinilalang si Pfc. Castor Canete ng 5th Marines Battalion na nakabase sa nabanggit na barangay.

Ang mga tinamaan naman ng bala ng baril ng mga sundalo na ngayon ay nasa malubhang kalagayan ay nakilalang sina Maritess Hangue, 23; Darwin Patino, 17; Luzviminda Domingo, 34; Imer Banas at isang alyas Concepcion.

Sa ulat na nakalap ng PSN kay Gen. Librado Ladia, Phil. Marines Commandant ng nabanggit na lugar, kasalukuyang nirerekisa ng tropa ng militar ang mga gamit ng pasahero ng isang pampasaherong jeep sa itinayong checkpoint.

Napag-alaman na biglang nagbunot ng jungle bolo si Jubaile at tinaga sa leeg si Canete kaya napilitang paputukan ng mga sundalo ang nag-amok na Sayyaf. (Ulat ni Rose Tamayo)

vuukle comment

ABU SAYYAF GROUP

BARANGAY MALUSO

BASILAN

CASTOR CANETE

DARWIN PATINO

IMER BANAS

KHADAFFY JANJALANI

LIBRADO LADIA

LUZVIMINDA DOMINGO

MAJA JUBAILE

MARINES BATTALION

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with