Kinilala ng Davao Air Transportation Office ang nang-hijack na si Capt. Roberto Ramirez na napaulat na pababagsakin ang nasabing eroplano kapag hindi naibigay ang kanyang demand kapag sumapit ang alas-3:00 ng hapon.
Ang nabanggit na eroplano ay ginagamit ng Dole Phils. sa pang-spray ng kemiko sa plantasyon ng pinya sa naturang lalawigan.
Napag-alaman pa sa ulat na tatagal lamang ang eroplanong RPC-1768 sa ere ng dalawang oras dahil sa mauubusan na ito ng fuel subalit makalipas na ang itinakdang oras ay wala pang ulat na pinabagsak ang eroplano.
Sinabi naman ni Aviation Security Chief Marcelo Ele na dadalhin na lamang daw ni Ramirez ang nasabing eroplano sa Agusan subalit hindi ito pinaniwalaan ng mga awtoridad dahil sa kukulangin ito ng fuel.
May teorya pa ang mga awtoridad na si Ramirez ay nasa Davao pa rin at nililito lamang ang mga imbestigador. (Ulat ni Rey Arquiza)