Bodyguard ng mayor itinumba
July 16, 2001 | 12:00am
CAMP VICENTE LIM, Laguna Isang personal security/bodyguard ng municipal mayor ang iniulat na nasawi makaraang tambangan ng dalawang hindi kilalang armadong kalalakihan habang ang biktima ay sakay ng kotse at bumabagtas sa kahabaan ng Barangay Poblacion, San Pascual, Batangas kamakalawa ng hapon.
Kinilala ang biktima na si Pedro Dolor, 44, alyas Peter/Pulangga, bodyguard ni Bauan Mayor Herminialdo Dolor at residente ng Brgy. Alalum ng naturang lugar.
Nakaligtas naman sa pananambang ang kasamang driver ni Dolor na si Virgilio Reyes, alyas Ruben ng Ilagan St. ng nabanggit na brgy.
Nabatid sa ulat ng pulisya, naganap ang krimen dakong alas-4:30 ng hapon habang lulan ang biktima ng isang Mitsubishi Lancer na may plakang NLU-267 at bumabagtas patungong Bauan, Batangas.
Bigla umanong sumulpot sa tagiliran ng kotse ng biktima ang isang kulay itim na motorsiklo na may sakay na dalawang hindi kilalang lalaki bago sunod-sunod na pagpaputok ng baril na ikinasawi kaagad ng biktima.
Sa kasalukuyan ay inaalam pa ng pulisya ang motibo ng krimen kung may bahid na politika. (Ulat ni Ed Amoroso)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended