Pulis dedo sa ambush
July 16, 2001 | 12:00am
CAPALONGA, Camarines Norte Isa sa dalawang kagawad ng pulisya ang iniulat na nasawi makaraang tambangan ng mga miyembro ng rebeldeng New Peoples Army (NPA) habang ang biktima ay lulan ng kanyang owner type jeep na bumabagtas sa kahabaan ng Brgy. Catioan, Capalonga ng bayang ito kamakalawa ng gabi.
Kinilala ng pulisya ang biktima na si SPO4 Ireneo Abiera, Jr, 44, may asawa tubong Purok 4 ng Brgy. Gahonon, Daet, Camarines Norte habang ang kasamahan naman nito na himalang nakaligtas sa pananambang ay nakilalang si PO2 Juan Vejerano na kapwa nakatalaga sa Capalonga PNP station.
Ayon pa sa ulat, pagsapit ng sasakyan ng mga biktima sa naturang brgy. ay hinarang sila ng tatlong hindi kilalang armadong kalalakihan bago sunod-sunod na pagpaputok na ikinasawi ng isa sa pulis. (Ulat ni Francis Elevado)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest