Mag-utol timbog sa drug bust
July 15, 2001 | 12:00am
KAMPO HEN. ALEJO SANTOS, Bulacan Tatlong mag-utol na umanoy pansamantala pa lamang nakalalaya dahil sa kasong droga ang muling dinakip ng pinagsanib na puwersa ng Regional Anti-illegal Drug Task Force at Hagonoy PNP sa isinagawang drug bust sa bahay ng una kamakalawa ng umaga sa Brgy. Sto. Niño ng bayan ito.
Kinilala ang mga suspek na sina Ferdinand, 52; Eddie, 43; at Sonny Laderas, 42, na pawang mga residente ng nabanggit na brgy.
Ang mga suspek na may ilang linggo lamang na nakalalaya dahil sa piyansa ay muling isinailalim sa pagtitiktik ng pulisya dahil sa patuloy pa rin itong nagpapakalat ng droga.
Sa ulat ni P/Supt. Noli Reyes, hepe ng pulisya sa bayang ito, sinalakay ang bahay ng magkakapatid dakong alas-7:45 ng umaga dahil na rin sa ipinalabas na arrest order ng korte na may kaugnayan sa nakabinbing kaso ng mga suspek.
Nakumpiska sa mga suspek ang may 70 gramo na shabu, drug paraphernalia, at halagang P140,000 na pinaniniwalaang mula sa pinagbentahan ng droga. (Ulat ni Efren Alcantara)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended