^

Probinsiya

Mag-utol tiklo sa pabrika ng baril

-
CAMP PANTALEON GARCIA, Imus, Cavite — Tinatayang aabot sa sandaan (100) na iba’t ibang uri ng kalibre ng baril at bala ang nakumpiska ng mga operatiba ng Cavite PNP Criminal Investigation and Detection Group (CIDG) sa magkapatid na lalaki sa isinagawang pagsalakay sa kanilang bahay kamakalawa ng hapon sa Sitio Starfish, Brgy. Amaya 1, Tanza, Cavite.

Kinilala ng pulisya ang mag-utol na suspek na sina Federico, 47, at Angelito Eridao, 36, na kapwa may asawa ng nasabing barangay.

Ang pagsalakay ng mga tauhan ni P/Chief Insp. Eliseo dela Cruz sa pabrika ng baril ay bunsod na rin ng ipinalabas na Search Warrant ni Judge Lucenito Tagle ng Imus Regional Trial Court Branch 20 na may petsang July 12, 2001.

Napag-alaman pa sa ulat na bago isagawa ang pagsalakay sa nabanggit na lugar ay isinailalim muna ang mag-utol sa isang linggong surveillance at nagsagawa ng test-buy operation sa pamamagitan ng pagpapanggap ng isang ahente ng CIDG na maging poseur buyer.

Nabatid pa na naging positibo ang isinagawang test-buy operation kaya sinalakay ang bahay ng mga suspek. (Ulat ni Cristina Go-Timbang)

vuukle comment

AMAYA

ANGELITO ERIDAO

CAVITE

CHIEF INSP

CRIMINAL INVESTIGATION AND DETECTION GROUP

CRISTINA GO-TIMBANG

IMUS REGIONAL TRIAL COURT BRANCH

JUDGE LUCENITO TAGLE

SEARCH WARRANT

SITIO STARFISH

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with