Trike driver todas sa 2 holdaper
July 15, 2001 | 12:00am
Isang 72-anyos na trike driver ang iniulat na nasawi matapos na pagbabarilin ng dalawang hindi kilalang armadong kalalakihan na humoldap sa pasahero nito nang magtatakbo ang matanda sa matinding takot sa insidente sa Davao City, kamakalawa.
Dead-on-the-spot ang biktimang si Nicanor Nazareno, residente ng Marsoon Sto. Tomas ng nasabing lungsod.
Sa ulat na ipinarating kahapon ng Police Regional Office (PRO) 11 sa Camp Crame, bandang 11:30 ng tanghali nang maganap ang insidente habang bumabaybay ang minamanehong tricycle ng matanda sa kahabaan ng Emily Homes, Feeder Road 3, Sto. Tomas, Davao City.
Napag-alaman na lulan ng tricycle ang pasaherong si Jenita Payot, collector ng Armado Lending Investor at residente ng Villa Consuelo Subd., Apokon, Tagum City at ang dalawang holdaper na nagkunwaring pasahero.
Pagsapit sa nasabing lugar, bigla na lamang umanong inihayag ng mga suspek ang holdap sabay tutok ng baril sa biktima.
Umaabot sa P5,640 ang nakulimbat ng mga holdaper sa biktima kung saan bunga naman ng matinding takot ng matanda na baka pati konting halaga na kinita nito sa pamamasada ay tangayin din ng mga suspek ay mabilis itong nagtatakbo subalit pinagbabaril ang biktima. (Ulat ni Joy Cantos)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended