Lola timbog sa drug bust
July 14, 2001 | 12:00am
DASMARIÑAS, Cavite Isang 57-anyos na lola na pinaniniwalaang nagpapakalat ng ipinagbabawal na gamot sa kanilang lugar ang naaresto ng pulisya sa isinagawang buy bust operation kamakalawa ng hapon sa Barangay Paliparan ng bayang ito.
Kinilala ng pulisya ang biktima na si Leonie Alejandro at residente ng Blk 118 Lot 30, Phase 3 ng nabanggit na barangay.
Napag-alaman na si Alejandro at anak nitong babae ay napapaulat na nagtutulak ng droga sa kanilang barangay kaya may isang linggo silang isinailalim sa pagtitiktik ng PNP Drug Enforcement Unit (DEU).
Sa inisyal na ulat ni PO3 Edgar Belza kay P/Chief Insp. John Bulalacao, dakong alas-5:00 ng hapon nang magsagawa ng buy bust operation ang pulisya sa pamamagitan nang pagpapanggap ni PO3 Celestino San Jose na isang poseur buyer sa suspek.
Walang nagawa ang suspek nang maaktuhang nag-aabot ng droga kay San Jose partikular na ang mark money na nakumpiska rito. (Ulat ni Cristina Go-Timbang)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest