2 opisyal ng NPA rebels nalambat
July 14, 2001 | 12:00am
Bumagsak sa mga tauhan ng pulisya ang dalawang matataas na opisyal ng mga rebeldeng New Peoples Army (NPA) na aktibong nag-ooperate sa Region 1 sa isinagawang magkakahiwalay na operasyon sa La Union, ayon sa ulat na nakarating sa Camp Crame kahapon.
Base sa ulat, unang naaresto ng mga tauhan ng Regional Intelligence and Investigation at La Union PNP si Eduardo Cacayuran alyas Ka Kardo, 33 at kasalukuyang kalihim ng Regional Peasant Secretariat ng CPP/NPA sa nasabing rehiyon.
Nasakote si Cacayuran kamakailan sa Brgy. San Antonio, Aringay, La Union habang naglalakad patungo sa kontak ng NPA sa nasabing lugar.
Kasunod nito ay naaresto naman si Avelino Dacanay, alyas Ka Mac, sinasabing ikalawa sa pinakamataas na opisyal ng NPA sa nasabing rehiyon.
Si Dacanay ay miyembro ng Regional Executive Committee at hepe ng Organization Department ng NPA.
Ayon sa ulat, si Dacanay ay nadakip kamakalawa sa kanyang bahay sa Brgy. Sta. Cecila, Aringay, La Union sa bisa na rin ng warrant of arrest na ipinalabas ni Judge Arturo Buenavista ng Regional Trial Court, Branch 2 ng Bangued, Abra. (Ulat ni Joy Cantos)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
13 hours ago
Recommended