^

Probinsiya

Coed na service crew ginilitan ng holdaper

-
ANTIPOLO CITY – Ginilitan ng leeg hanggang sa mapatay ang isang 20-anyos na babaeng burger crew ng isang trike driver makaraang manlaban ang una sa ginawang panghoholdap ng huli kahapon ng umaga sa Sitio Dalisay, Brgy. San Isidro ng lungsod na ito.

Hindi na umabot pa ng buhay sa Antipolo Community hospital ang biktimang si Plea Obusan, dalaga, estudyante ng Sitio Sto. Niño, Brgy. San Jose ng naturang lugar.

Samantala, ang suspek na ngayon ay nakapiit sa Antipolo detention cell ay nakilalang si Eduardo Cabubas, 27, binata, alyas Andy, isang trike driver at residente ng Santos St., Sitio Manggahan, Brgy. San Roque, Antipolo City.

Napag-alaman sa ulat ni P/Supt. Reynaldo Macalalad, hepe ng Antipolo police station na positibong itnuro ng mga tricycle driver ang suspek na siyang nangholdap at pumatay sa biktima.

Sa inisyal na pagsisiyasat ng pulisya, dakong alas-8 ng umaga nang magpanggap ang suspek na bibili ng humburger sa pinapasukang Burger Machine ng biktima.

Sinamantala ng suspek na nakatalikod si Obusan upang kunin ang kinita sa kaha subalit naaktuhan ito at nanlaban ang biktima hanggang sa mauwi sa malagim na krimen. (Ulat ni Danilo Garcia)

ANTIPOLO CITY

ANTIPOLO COMMUNITY

BRGY

BURGER MACHINE

DANILO GARCIA

EDUARDO CABUBAS

PLEA OBUSAN

REYNALDO MACALALAD

SAN ISIDRO

SAN JOSE

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with