Big time drug dealer nalambat
July 13, 2001 | 12:00am
CAVITE CITY Isa sa dalawang kalalakihan na pawang mga miyembro ng malaking sindikato ng droga ang nalambat kamakalawa ng hapon ng mga operatiba ng Cavite City PNP sa Barangay 36, Calumpang St., Brgy. Caridad ng lungsod na ito.
Ang suspek na iprinisinta kahapon sa mga mamamahayag ni Cavite City Mayor Bernardo Paredes ay nakilalang si Angelito Ruiz, 40, may asawa, nagmamay-ari ng isang malaking palaisdaan sa Bagong Purok, Brgy. 36 ng nabanggit na lungsod, habang ang kapatid nito na mabilis na nakatakas ay kinilalang si German Ruiz.
Si Ruiz kasama ang kanyang kapatid na pinaniniwalaang nasa PNP drug watchlist dahil sa miyembro ng Calumpang drug triad syndicate ay nakumpiskahan ng mga awtoridad ng may 3 kilong pinatuyong dahon ng marijuana at 150 gramo ng shabu partikular na ang ginamit na mark money sa isinagawang drug bust.
Base sa ulat ni P/Chief Insp. Rhodel Sermonia, hepe ng pulisya sa lungsod na ito, nag-ugat ang pagkakadakip kay Ruiz dahil sa ipinalabas na warrant of arrest ni Judge Christopher Lock ng Cavite Regional Trial Court (RTC).
Napag-alaman pa sa ulat ng pulisya na si Ruiz ay may isang linggo ng isinailalim sa pagtitiktik ng pulisya upang kumpirmahin ang kanyang modus operandi.
Dakong alas-5 ng hapon nang magsagawa ng biglaang pagsalakay ang pulisya sa bahay ni Ruiz habang ito ay nagpapahinga subalit nakuhang makatakas naman ni German na kasabwat din sa operasyon ng droga. (Ulat nina Cristina Go-Timbang at Mading Sarmiento)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest