Pulis dedo sa kanyang houseboy
July 13, 2001 | 12:00am
LEGASPI CITY Isang kagawad ng pulisya na pinaniniwalaang nagmalupit sa katulong na lalaki ang iniulat na pinagsasaksak bago pinagbabaril hanggang sa mapatay ng huli kahapon ng madaling araw sa Barangay Pag-asa ng lungsod na ito.
Idineklarang patay sa Aquinas Hospital ang biktimang nakilalang si SPO3 Ramon Dacillo, may asawa ng 501th Police Provincial Mobile Group na nakabase sa PLDT Detachment sa Bayan ng Camalig, Albay.
Samantala, ang suspek na ngayon ay nakakulong sa municipal jail ay kinilalang si Franklin Olayres, alyas Dondon, 29, binata, tubong Camarines Sur at katulong ng pamilya Dacilio.
Dakong ala-1:30 ng madaling araw nang gisingin ng biktima ang katulong sa tinutulugan nitong kubo sa loob ng compound ng naturang lugar.
Sa inisyal na ulat ng pulisya, lango umano ang biktima nang bulabugin nito ang katulong na lalaki.
Dahil sa pagkabigla ng suspek ay inundayan ng sunud-sunod na saksak ng patalim ang biktima subalit nakabunot pa ito ng baril na nakasukbit sa baywang pero nagpambuno ang dalawa.
Napag-alaman pa sa ulat ng pulisya, nakuhang maagaw ng suspek ang baril ng biktima kaya ito ang ginamit sa pamamaril.
May teorya ang pulisya na pinagmamalupitan ng biktima ang suspek kaya ginantihan ito. (Ulat ni Ed Casulla)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
8 hours ago
Recommended