^

Probinsiya

Kindinap na Korean trader nabawi

-
Nailigtas ng mga operatiba ng PNP Special Team at PNP-Criminal Investigation and Detection Group (PNP-CIDG) ang dinukot na mayamang negosyanteng Koreana kasabay ng pagkakaaresto sa apat na pinaniniwalaang miyembro ng kidnap-for-ransom gang sa isinagawang operasyon sa Brgy. Castañas, Sariaya, Quezon.

Ang biktimang si Jung Ok Oh, 43, Koreana na nagmamay-ari ng Seoul Country Resort sa Bagong Kalsada, Calamba, Laguna ay nabawi makaraang puwersahang tangayin noong nakalipas na Linggo.

Kinilala ang mga naarestong suspek na sina Eduardo Magbanua, Ali Samal alyas Alex, tubong Cotabato City at residente ng Maguindanao Ave., Purok 3, Lower Bicutan, Taguig; Ricardo Lacson, alyas Samson at Jayson Timbal.

Ang pagkakadakip sa mga suspek ay matapos ang ginawang bayaran ng P500,000.00 ransom sa Brgy. Imok, Calauan, Laguna nitong Martes.

Agad namang kumilos ang mga operatiba ng pulisya at nagmanman sa napagkasunduang pay-off sa Brgy. Imok.

Dakong alas-6 ng gabi nang naturang araw nang sundan ng operatiba ng pulisya ang tatlong kalalakihang sakay ng puting taxi na may tatak na "Perlita" (TVN-191), na kumuha ng ransom sa isang alyas Ricky kaya natukoy ang safehouse ng naturang grupo. (Ulat nina Joy Cantos, Ed Amoroso at Tony Sandoval)

vuukle comment

ALI SAMAL

BAGONG KALSADA

BRGY

COTABATO CITY

CRIMINAL INVESTIGATION AND DETECTION GROUP

ED AMOROSO

EDUARDO MAGBANUA

IMOK

JAYSON TIMBAL

JOY CANTOS

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with