Army truck sumalpok sa cargo truck; 7 sundalo, 6 sibilyan grabe
July 12, 2001 | 12:00am
PAMPLOMA, Camarines Sur Tinatayang aabot sa pitong sundalo habang anim na sibilyan ang iniulat na malubhang nasugatan makaraang salpukin ng isang cargo truck ang sinasakyang army truck ng mga biktima kamakalawa ng hapon sa kahabaan ng Maharlika highway sa Barangay San Vicente ng bayang ito.
Ang mga biktimang sundalo na pawang nakatalaga sa 42nd Infantry Battalion ng Phil. Army na nakabase sa Banga Caves, Ragay, Camarines Sur ay kinilalang sina S/Sgt. Severino Lobrera; Cpl. Antonio Cabronero; Cpl. Leopoldo Belengo; Pvt. Cristino Benlot; Pvt. Roger Balita; Pvt. Francisco Gathalian at Cpl. Castro Jovencio.
Habang nakilala naman ang mga sibilyang sakay ng cargo truck na sina Angelo Saba; Reymundo Guadaña; Delfin Brosas, Jr.; Jerry Bading; Hilario Blanca at Ricardo Guabaña, driver ng cargo truck ng naturang lugar.
Napag-alaman sa ulat ng pulisya, naganap ang aksidente dakong alas-3:00 ng hapon makaraang masagi ng Izusu cargo truck na may plakang EAZ-980 ang isang pampasaherong bus bago sumalpok sa kasalubong na army truck na lulan ang mga biktimang sundalo.
Dahil sa lakas nang pagkakasalpok sa truck ng tropa ng militar ay tumilapon lahat ang sakay nito, gayundin ang mga pahinante ng nasabing cargo truck. (Ulat ni Ed Casulla)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended