Parusang bitay sa police official binawi ng korte
July 12, 2001 | 12:00am
Isang dating mataas na PNP official na isinangkot sa kasong murder laban sa isang lalaki noong Marso 27, 1999 ang pinawalang sala ng Tarlac Regional Trial Court mula sa unang hatol na bitay ni Judge Victor Llamas noong Hulyo 21, 1999.
Sa 12-pahinang desisyon ni Judge Bitty Biliran, pinawalang-sala sa kasong murder si dating hepe ng Baliuag police station P/Supt. Alfredo Siwa dahil sa kawalan ng matibay na ebidensya na isinumite ng prosecution panel.
Magugunitang si Siwa, kasama ang kanyang mga tauhan ay isinabit sa pagpatay sa isang nagngangalang Vicente Magpayo noong ito ay nakaratay sa ospital.
Batay sa rekord ng korte si Magpayo ay iniwan sa isang liblib na lugar sa Brgy. Jaen, Nueva Ecija at inakalang patay na subalit natagpuan ng ilang residente at dinala sa pagamutan. (Ulat ni Efren Alcantara)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest