Trader tinodas ng mag-utol
July 11, 2001 | 12:00am
TRECE MARTIREZ CITY, Cavite Isang trader ang iniulat na kasalukuyang nakikipaglaban kay kamatayan makaraang pagtulungan na tagain ng mag-utol dahil lamang sa pagtanggi ng una na pautangin ng panindang alak ang huli, kamakalawa ng hapon sa Barangay Osorio ng lungsod na ito.
Ang biktima na ngayon ay nasa Andres Bonifacio Hospital ay kinilalang si Joel Tenorio, 24, nagmamay-ari ng tindahan ng nasabing lugar.
Samantala, ang isa sa suspek na ngayon ay nakakulong sa PNP detention cell ay nakilalang si Policarpio Balmes habang tinutugis naman ang utol nitong si Crisanto Balmes.
Sa inisyal na imbestigasyon ni PO2 Melvin Presda, may hawak ng kaso, naganap ang krimen dakong alas-5:00 ng hapon habang nagpupumilit ang mga suspek na umutang ng panindang alak.
Dahil sa nairita na ang asawa ng biktima na si Darilyn Tenorio sa mga binitiwang salita ng mga suspek ay napilitang magsarado ito ng tindahan kaya nagalit ang mag-utol.
Dito na kinompronta ng biktima ang mag-utol at nagsimulang magkaroon ng mainitang pagtatalo na nauwi sa malagim na krimen. (Ulat ni Cristina Go-Timbang)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended