3 hijackers ng kargamento tiklo
July 10, 2001 | 12:00am
CAMP VICENTE LIM, Laguna Tatlo sa pitong kalalakihan na pawang mga miyembro ng sindikato ng hijacking na may modus operandi sa Laguna at Batangas ang nasakote ng mga operatiba ng Criminal Investigation and Detection Group 4-Special Operation Team kamakalawa ng tanghali sa magkakahiwalay na lugar sa Quezon City, Manila at Calamba.
Kinilala ni P/Supt. Maximo Malabanan, hepe ng CIDG 4 chief ang mga nadakip, na suspek na sina Emiliano Santiago, 54 ng Quirino Ave., Q.C., Ben Morales ng Manuguit, Tondo, Maynila at Rolando Raagas, lider ng sindikato.
Habang tinutugis naman ng mga operatiba ng CIDG ang apat pang miyembro ng sindikato na kinilalang sina Oscar Cenon at ang magkakapatid na Nestor, Ariel at Ramon Raagas.
Ayon pa sa ulat ng pulisya, ang nasabing grupo ay responsable sa naganap na hijacking sa isang truck ng kargamentong electronic devices na nagkakahalaga ng P6 milyon noong nakaraang buwan sa Cabuyao, Laguna na nagresulta rin sa pagkamatay ng driver nito.
Dahil sa impormasyong nakalap nina SPO4 Rosevelt Legaspi at P/Chief Insp. Romulo Reyes ng CIDG4-SOT hinggil sa pinagkukutaan ng mga suspek ay kaagad na bumuo ng team si CIDG Director Chief Supt. Nestorio Gualberto na naging sanhi upang madakip ang mga suspek sa Pa-Alto, Calamba, Laguna. (Ulat ni Ed Amoroso)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest