^

Probinsiya

2 dump trucks sinunog ng NPA rebels

-
Sinalakay ng mga armadong kalalakihan na miyembro ng mga rebeldeng New People’s Army (NPA) ang isang construction company at sinunog ang dalawang dump trucks na tinatayang nagkakahalaga ng milyong halaga sa naganap na insidente sa Batangas City, kamakalawa.

Ayon sa ulat na nakarating kahapon sa Camp Aguinaldo, bandang alas-7:30 ng umaga nang salakayin ng hindi pa mabatid na bilang ng mga rebelde ang Summet Construction sa Brgy. Simlong ng nasabing lungsod.

Wala umanong nagawa ang mga empleyado at mga manggagawa ng nasabing kumpanya nang buhusan ng gasolina ang dalawang dump trucks na nagkakahalaga ng aabot sa P2 milyon at kapagdaka’y sinilaban ito.

Mabilis namang nagsitakas ang mga rebelde patungo sa hindi pa malamang destinasyon na nagbanta pang muling babalik at isasabotahe ang naturang construction company kapag hindi tumalima ang may-ari nito na magbayad ng revolutionary tax sa kanilang kilusan. (Ulat ni Joy Cantos)

vuukle comment

AYON

BATANGAS CITY

BRGY

CAMP AGUINALDO

JOY CANTOS

MABILIS

NEW PEOPLE

SIMLONG

SUMMET CONSTRUCTION

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with