^

Probinsiya

P200M ari-arian, pananim sinalanta ni 'Feria'

-
Umaabot na sa halagang P200 milyon na ari-arian at pananim ang apektado at sinalanta ni "Feria" habang aabot na sa may 73 katao ang nasawi at 116 katao ang sugatan partikular na sa Region 2 kamakalawa ng hapon.

Base sa ulat mula sa Office of the Civil Defense, naapektuhan din ang pitong Brgy. sa San Fernando City, La Union na may 647 pamilya at may kabuuang 2,583 katao at 161 kabahayan ang winasak ni "Feria".

Naitala naman ang may 60,000 bilang ng pamilya ang nawalan ng bahay mula sa Northern Luzon partikular na sa Ilocos Region, Cagayan Valley at Cordillera Autonomous Region.

Dumaranas din ng manaka-nakang brownout at pagkaputol ng linya ng telepono sa mga lugar ng Region 1, 2, 3 at CAR habang hindi pa rin madaanan ng mga sasakyan ang Kennon road, Marcos highway at La Union-Benguet area. (Ulat nina Joy Cantos, Vic Alhambra, Jr. at Angie dela Cruz)

CAGAYAN VALLEY

CORDILLERA AUTONOMOUS REGION

ILOCOS REGION

JOY CANTOS

LA UNION

LA UNION-BENGUET

NORTHERN LUZON

OFFICE OF THE CIVIL DEFENSE

SAN FERNANDO CITY

VIC ALHAMBRA

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with