6 katao pinugutan ng MILF rebels
July 6, 2001 | 12:00am
COTABATO CITY Anim katao kabilang na ang isang menor de-edad ang iniulat na pinugutan ng mga rebeldeng Moro Islamic Liberation Front (MILF) habang ang mga biktima ay nanghuhuli ng bayawak sa Tamontake river sa Rio Grande de Mindanao ng naturang lalawigan.
Ang mga biktima na pawang mga residente ng Barangay Broce malapit sa Odin Sinsuat, Maguindanao ay nakilalang sina Wilfredo Gupong, Sr., 49, anak nitong sina Rolando, 29; Wilfredo Jr., 20; Bryan, 10 at ang dalawang magkaibigang sina Oliver Ramos, 25 at Eduardo Wisan, 35.
Nabatid sa ulat ng pulisya na ang mga biktima ay huling nakitang buhay noong Linggo ng umaga na magkakasamang manghuhuli ng Iguanas may dalawang kilometro ang layo mula sa kanilang lugar.
Dahil sa kulang ang kinikita bilang construction worker ng pamilya Gupong ay minabuti nitong manghuli ng bayawak upang ipagbili ang karne sa pampublikong palengke ng nasabing lugar.
Ayon pa sa ulat na may mga palatandaan ang katawan ng mga biktima na pinahirapan bago pinagbabaril patalikod at pinugutan ng ulo.
Napag-alaman pa sa ulat na binalaan na umano ng mga rebeldeng MILF ang mga residente ng nasabing brgy. na lumayo at huwag magpupunta sa naturang lugar dahil ito ay kanilang teritoryo subalit nagpumilit pa rin ang mga biktima na tumungo.
Sa kasalukuyan ay nagpadala na ng tropa ng militar mula sa 6th Infantry Division ng Phil. Army upang tugisin ang mga armadong rebelde na responsable sa krimen. (Ulat ni John Unson)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
By Cristina Timbang | 1 hour ago
By Doris Franche-Borja | 1 hour ago
By Cristina Timbang | 1 hour ago
Recommended