2 MBA players, aktres nanggulpi ng fans
July 5, 2001 | 12:00am
CABANATUAN CITY Nalalagay ngayon sa balag ng alanganin ang dalawang basketball player ng Socsargen Marlins makaraang magsampa ng kasong panggugulpi ang dalawang fans ng Nueva Ecija Patriots Team laban sa una na naganap noong Hunyo 20, 2001sa Araullo Sports Gymnasium ng naturang lungsod.
Nabatid sa ulat na pormal na nagsampa ng kasong physical injuries sa sala ni Judge Inocensio B. Sagun, Jr. ng Branch 3 sa pamamagitan ni Fiscal Amelia Tiu sina Eduardo Lajeras at Maylene Chua laban kina Cris Bade, Paul "Bong" Alvarez at asawa nitong artistang si Almira Muhlach.
Ayon sa sinumpaang salaysay ng dalawang biktima, hindi umano nagustuhan ni Muhlach, isang trader ng mineral water ang pangangantiyaw nila Lajeras at Chua sa natalong Marlins laban sa Patriot team ng Metropolitan Basketball Association (MBA) kaya binalibag sila ng botelya ng mineral water.
Akma sana na gagantihan nina Lajeras at Chua ang ginawa ni Muhlach ay biglang dumating naman sina Bade at Alvarez kaya napilitang gulpihin ang dalawa imbes na awatin.
Sinabi naman ni Judge Sagun na kinakailangang personal na umapela sa korte at sagutin kaagad nina Alvarez, Bade at Muhlach ang akusasyon ng dalawa. (Ulat ni Christian Ryan Sta. Ana)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended