Relief goods sa Mayon ninanakaw
July 5, 2001 | 12:00am
STO. DOMINGO, Albay Umaabot sa halagang P25,000 relief goods na nakalagay sa Municipal Social Welfare and Development (MSWD) ang iniulat na ninakaw ng mga hindi pa nakikilalang kalalakihan kamakalawa ang madaling araw sa bayang ito.
Nabatid sa ulat ni Marissa Villanueva, isang officer ng MSWD sa naturang bayan na ang pangyayari ay naganap sa pagitan ng alas-12 hanggang alas-4:00 ng madaling araw.
Napag-alaman na dumaan ang mga magnanakaw sa bubungan ng bodega na pinag-iimbakan ng mga relief goods na ipamamahagi sa Mayon evacuees sa ibat ibang evacuation center sa Albay.
Kasunod nito, ibinaba na sa Alert Level 4 mula sa dating Alert Level 5 ng pamunuan ng Philippine Volcanology and Seismology (Philvolcs) ang Mayon volcano.
Sa pinakahuling ulat ng National Disaster Coordinating Council (NDCC) mula sa Phivolcs na bagamat walang tigil ang pag-ulan sa Albay ay na-obserbahang panandaliang nanahimik ang Mayon volcano kaya naibaba na ang alert level.
Pinayagan na rin ang ilang residente na naunang inilikas na muling bumalik sa kani-kanilang lugar na sakop ng 8 kilometer Permanent Danger Zone (PDZ). (Ulat nina Ed Casulla, Angie dela Cruz at Joy Cantos)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Recommended
November 30, 2024 - 12:00am