Obrero pinugutan ng 2 kabaro
July 4, 2001 | 12:00am
PEREZ, Quezon Isang obrero ang iniulat na namatay matapos na ito ay pugutan ng kanyang dalawang kasamahan sa trabaho dahil lamang sa pagtatalo kung sino sa kanila ang magaling gumawa ng coco lumber kamakalawa ng gabi sa Sitio Siain, Barangay Mainit sa bayang ito.
Kinilala ng pulisya ang biktima na si Mariano Villeza, 27, binata ng Guinyangan, Quezon, samantalang tumakas naman ang dalawang suspek na nakilalang sina Danilo Upo, 37 at Durante Mergenio kapwa taga Daet, Camarines Norte.
Ayon sa ulat, dakong alas-10:30 ng gabi ay nag-iinuman ang biktima at ang mga suspek sa loob ng warehouse na pag-aari ng kanilang amo na si Felix Reyes.
Nang malasing ang mga ito ay nagpayabangan kung sino sa kanila ang magaling magtistis ng coco lumber hanggang sa mauwi sa mainitang pagtatalo.
Dahil sa inis ng dalawang suspek ay hinampas nila sa likod ng isang pirasong kahoy ang biktima at isinagawa ang pagpugot. (Ulat ni Tony Sandoval)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended