Maguindanao governor grabe sa ambus
July 4, 2001 | 12:00am
Nasa malubhang kalagayan ngayon si Maguindanao Govenor Datu Angan Ampatuan makaraang ambusin ng mga miyembro ng rebeldeng Moro Islamic Liberation Front (MILF) habang lulan ng sasakyan at binabagtas ang kahabaan ng Quezon Bridge sa Cotabato City kahapon ng hapon.
Nabatid sa ulat ng Police Regional Office 12, naganap ang pananambang dakong ala-1:45 ng hapon matapos na manumpa ang nasabing gobernador.
Ayon sa ulat, napuruhan ang sasakyan ni Ampatuan ng isang rocket propelled grenade na pinakawalan ng mga rebelde bago sunud-sunod na pinaputukan ang mga escort ng naturang gobernador.
Subalit gumanti ng putok ang mga security escort ni Ampatuan kaya napilitang umatras ang mga rebelde sa hindi matukoy na direksyon.
Napag-alaman pa na ang gusali ng Phil. Trade Center ay nadamay sa putukan ng magkabilang panig na nagresulta sa pagkasunog ng malaking bahagi ng nasabing gusali.
Inaalam pa ng pulisya kung may bahid ng pulitika ang motibo ng pananambang. (Ulat ni Joy Cantos)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Recommended