Trader dinedo bago ninakawan
July 4, 2001 | 12:00am
CAMP VICENTE LIM, Calamba Isang negosyanteng lalaki ang iniulat na pinagsasaksak hanggang sa mapatay ng hindi pa nakikilalang lalaki habang natutulog sa sariling bahay kamakalawa ng tanghali sa Barangay Lapu-Lapu, San Jose, Batangas City.
Kinilala ng pulisya ang biktima na si Gregorio Dyogi, 85, may-ari ng Ringo Farm sa Batangas at residente ng nabanggit na lugar.
Inimbitahan naman ng mga tauhan ni P/Chief Supt. Domingo Reyes, Jr., PRO4 regional director ang tatlong katiwala na sina Ramil Revelisa, 29; Danny Blanca at Henry Tanglaw, 43 na pawang mga stay-in ng Ringo Farm.
Sa inisyal na pagsisiyasat ng pulisya, naganap ang krimen sa pagitan ng alas-12 hanggang ala-1 ng tanghali habang ang biktima ay naiwang nag-iisa sa bahay.
Napag-alaman sa imbestigasyon na ang killer ay nakapasok sa isang bintanang malapit sa kuwarto ng biktima bago isagawa ang krimen.
Nawawala naman ang mga mamahaling alahas, malaking halaga ng pera at dalawang shotgun na pag-aari ng biktima na pinaniniwalaang tinangay ng killer. (Ulat ni Ed Amoroso)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended