^

Probinsiya

Sekyu todas sa Agaw-armas

-
CABANATUAN CITY – Dahil sa katapatan sa serbisyo bilang isang security guard ang naging sanhi ng maagang kamatayan nito makaraang pagtulungang saksakin ng dalawang kalalakihang miyembro ng ‘Agaw-Armas Gang’ kahapon ng madaling araw sa Dicarma, Maharlika Highway ng lungsod na ito.

Ang biktima na naka-duty sa Melanio’s Shopping Mall ng naturang lugar ay nakilalang si Benjamin Jesus Ortile, 26, binata ng 846 General Tinio, Quezon District ng nabanggit na lungsod.

Samantala, ang mga suspek na ngayon ay nakakulong sa Cabanatuan PNP detention cell ay nakilalang sina Alfredo Coronel at Mario Gamboa na kapwa residente ng Gen. Tinio extention, Brgy. Kapitan Pepe ng nasabing lugar.

Sa ulat ni P/Supt. Laverne Mangbao, hepe ng Cabanatuan police station, nasakote ang mga suspek dakong ala-1:30 ng hapon habang nagbibisikleta sa kahabaan ng Maharlika Highway.

Nabatid sa inisyal na imbestigasyon ng pulisya, naganap ang krimen dakong ala-1:30 ng madaling araw habang naka-duty ang biktima sa naturang shopping mall bago lapitan ng mga suspek.

Kahit na inagaw ang nakasukbit na baril ay nagawang manlaban ng biktima hanggang sa mauwi sa malagim na trahedya. (Ulat ni Christian Ryan Sta. Ana)

vuukle comment

AGAW-ARMAS GANG

ALFREDO CORONEL

BENJAMIN JESUS ORTILE

CABANATUAN

CHRISTIAN RYAN STA

GENERAL TINIO

KAPITAN PEPE

LAVERNE MANGBAO

MAHARLIKA HIGHWAY

MARIO GAMBOA

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with