Utol napatay ng kuya
July 2, 2001 | 12:00am
PAGBILAO, Quezon Aksidenteng nabaril at napatay ang isang 31-anyos na lalaki ng kanyang nakatatandang kapatid makaraang makalabit ng huli ang pinagyayabang na baril habang nag-iinuman ang dalawa sa Barangay Bantigue, kamakalawa ng madaling araw sa bayang ito.
Kinilala ng pulisya ang biktima na si Pedro Gutierrez, may asawa habang ang kapatid na suspek na ngayon ay tinutugis ng pulisya ay nakilala namang si George Gutierrez, 41 na kapwa residente ng naturang barangay.
Sa inisyal na ulat ni C/Insp. Vilmor Manzano, hepe ng pulisya ng bayang ito na dakong ala-1:20 ng madaling araw naganap ang pangyayari dahil sa hindi sinasadyang makalabit ang gatilyo ng shotgun na ipinagyayabang sa biktima.
Nabatid pa na ang dalawang mag-utol kasama ang ilang kapitbahay na kalalakihan ay pawang mga lango na sa alak nang ilabas ng suspek ang kanyang shotgun bago inihagis paitaas hanggang sa mauwi sa naturang pangyayari. (Ulat ni Tony Sandoval)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended