Police official dedo sa ambush
July 2, 2001 | 12:00am
KAMPO SIMEON OLA Isang mataas na opisyal ng pulisya na nakatalaga sa Sorsogon Provincial Command ang iniulat na nasawi makaraang tambangan ng mga rebeldeng New Peoples Army (NPA), kamakalawa ng umaga habang ang biktima ay nagmamaneho ng kotse sa kahabaan ng Sitio Misalay, Barangay Macalaya ng bayang ito.
Kinilala ng pulisya ang biktima na si P/Supt. William Garan, may asawa at residente ng Castilla, Sorsogon.
Si Garan ay dating hepe ng Regional Special Action Group sa Kampo Simeon Ola.
Batay sa inisyal na ulat ni Bicol Police Chief Robert Delfin, naganap ang pananambang dakong alas-10:00 ng umaga habang binabagtas ng biktima sakay ng Isuzu Fuego ang kahabaan ng nabanggit na lugar patungong Cumadcad, Castilla.
Bigla umanong hinarang ang biktima ng pitong armadong kalalakihan bago barilin sa ulo at tadtarin ng bala ng armalite sa ibat ibang bahagi ng katawan. (Ulat ni Ed Casulla)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended