Dalaga hinalay ng 4 senglot

ATIMONAN, Quezon – Isang 17-anyos na dalaga ang hinalay ng paulit-ulit ng apat na kalalakihang pawang lango sa alak kamakalawa ng gabi sa Barangay Caridad Ilaya ng bayang ito.

Ang biktima na luhaang dumulog sa himpilan ng pulisya ay itinago sa pangalang Laura habang ang apat na suspek na nakilala sa police line-up at ngayon ay nakakulong sa PNP detention cell ay sina Edgardo Inoc, 22; Felix Radaya, 27; Armado Briones, 29 at isang itinago sa pangalang Rodel dahil sa menor-de-edad na pawang mga residente ng Brgy. Talao-Talao, Lucena City.

Batay sa ulat ni P/Supt. Eduardo Samoco, hepe ng pulisya, naganap ang krimen dakong alas-10 ng gabi sa isang kubo sa baybaying dagat ng naturang lugar.

Ayon sa inisyal na imbestigasyon ng pulisya, inimbitahan ang biktima ng kanyang kaibigang babae na makipag-inuman sa kanyang mga bisita at dahil sa tiwala ito ay nagpasyang makisama.

Subalit nilasing ang biktima ng mga suspek bago isagawa ang maitim na balak. (Ulat ni Tony Sandoval)

Show comments