^

Probinsiya

Broadcaster, inambus bago dinukot

-
Isang radio broadcaster, news director ng Radio Mindanao News Station sa Cagayan de Oro City ang iniulat na inambus bago dinukot ng mga hindi pa nakikilalang armadong kalalakihan habang papauwi ang biktima sakay ng kanyang van kamakalawa ng gabi sa kahabaan ng Sta. Cecilia, Gusa National Highway ng naturang lalawigan.

Kinilala ang biktima na si Zaldy Ocon, isang batikang komentarista ng RMN Radyo Agong ng nabanggit na lungsod.

Ayon sa ulat na natanggap ng naturang radio station dakong alas-6 ng gabi nang maganap ang pangyayari.

Nabatid sa impormasyon mula sa mga tauhan ng RMN station sa Zamboanga City na bukod sa pananambang sa biktima ay dinukot pa ito ng mga hindi nakikilalang armadong kalalakihan na hinihinalang mga tiwaling pulis na malimit banatan sa kanyang programa.

Nakatawag na umano ang biktima sa kanyang dalang cellphone sa himpilan ng RMN station Cagayan upang humingi ng saklolo subalit biglang nawala ang signal.

Kaagad namang pinuntahan ng mga awtoridad ang nasabing lugar na pinangyarihan ng pananambang at nakita ang sasakyan ng biktima na tadtad ng tama ng bala ng malalakas na kalibre ng baril subalit hindi matagpuan ang katawan ng biktima.

Si Ocon ay naging kontrobersyal na komentarista dahil sa pagbanat nito sa mga opisyal ng kapulisan sa nabanggit na lalawigan.

May natanggap namang balita ang PSN kahapon na may nakakitang mga residente sa Sta. Cecilia na ang biktima na sugatan ay nakatakas sa mga kamay ng suspek sa hindi maipaliwanag na kadahilanan at ngayon ay itinatago ng kanyang malapit na kaibigan sa hindi binanggit na lugar dahil na rin sa seguridad ng kanyang buhay. (Ulat ni Rose Tamayo)

BIKTIMA

CECILIA

GUSA NATIONAL HIGHWAY

ORO CITY

RADIO MINDANAO NEWS STATION

RADYO AGONG

ROSE TAMAYO

SI OCON

ZALDY OCON

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with