^

Probinsiya

Coed hinulog mula sa ika- 4 palapag ng school

-
MALOLOS, Bulacan – Pinaniniwalaang inihulog mula sa 4th floor ng paaralan ang isang 20-anyos na estudyanteng lalaki ng isang grupo ng fraternity na naging dahilan upang ito ay malagay sa kritikal na kondisyon sanhi ng pagkabali ng mga buto sa iba’t ibang katawan kahapon ng tanghali sa Bulacan State University ng bayang ito.

Kinilala ng pulisya ang biktima na si Marco Ramos, binata, isang 4th year college student ng kursong Chemistry at residente ng Brgy. Sto. Rosario ng naturang lalawigan.

Batay sa ulat na tinanggap ni Bulacan PNP Provincial Director Sr. Supt. Edgardo Acuña, naganap ang pangyayari dakong alas-12:30 ng tanghali habang ang mga estudyante sa corridor ng naturang gusali ay abala sa kanilang lunch break.

Ayon sa inisyal na imbestigasyon, ilang estudyante ang nasaksihan ang pangyayari na naunang nahulog ang dalang bag ng biktima bago ito sumunod.

Nabatid pa sa pulisya na may takip pa ng panyo ang mata ng biktima nang ito ay mahulog kaya tinitingnan ng mga imbestigador ang anggulong may foul play na naganap sa pangyayari. (Ulat ni Efren Alcantara)

vuukle comment

AYON

BULACAN

BULACAN STATE UNIVERSITY

EDGARDO ACU

EFREN ALCANTARA

MARCO RAMOS

PROVINCIAL DIRECTOR SR. SUPT

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with