^

Probinsiya

9 timbog sa shabu pot session

-
CABANATUAN CITY – Siyam katao kabilang na ang limang kababaihan na pinaniniwalaang mga adik ang naaresto ng mga tauhan ni P/Supt. Laverne Manangbao makaraang maaktuhang nagsa-shabu session kamakalawa ng madaling araw sa Barangay Dicarma ng lungsod na ito.

Kinilala ng pulisya ang mga suspek na ngayon ay nakapiit sa PNP detention cell na sina Venerando Esteban, 33; Olivia Martinez, 42, na kapwa ng Purok 2, Aduas Sur; Melanie Edusma, 28; Rodolfo Garcia, 33, Joel Liwag, 25, ng Dicarma; Susan Alla, 28; Heidi Bautista, 26; ng Sanciangco St.; Resty Caisip ng Vega, Bongabon, Nueva Ecija at isang menor-de-edad na itinago sa pangalang Agnes, 14, ng Bantug Norte.

Ayon sa inisyal na ulat ng pulisya, naganap ang pagsalakay dakong ala-1:30 ng madaling araw makaraang makatanggap ng impormasyon si SPO3 Rolando Magpo sa isang impormante.

Nakumpiska ng pulisya sa mga suspek ang hindi nabatid na gramo ng shabu at mga paraphernalia na ginagamit sa shabu session. (Ulat ni Christian Ryan Sta. Ana)

vuukle comment

ADUAS SUR

BANTUG NORTE

BARANGAY DICARMA

CHRISTIAN RYAN STA

HEIDI BAUTISTA

JOEL LIWAG

LAVERNE MANANGBAO

MELANIE EDUSMA

NUEVA ECIJA

OLIVIA MARTINEZ

RESTY CAISIP

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with