3 pulis kinasuhan ng murder
June 29, 2001 | 12:00am
Tatlong miyembro ng pulisya ng Gapan, Nueva Ecija na isinabit sa kasong murder laban sa kapatid ng reporter ang sinampahan na ng kaso kahapon sa tanggapan ng Ombudsman.
Kinilala ang mga kinasuhang pulis na sina PO1s Roel San Gabriel, Dennis Marana at si Marjerry Velasquez na pawang nakatalaga sa nabanggit na PNP station.
Nabatid sa rekord ng Ombudsman na matibay ang edibensyang hawak nila sa pagpatay kay Juan "Era" Egco III, kapatid ni Joel Egco ng Manila Standard.
Batay sa ulat, si Egco ay pinatay ng mga akusado noong June 7, 2000 habang nakasakay sa kanyang motorsiklo sa Sitio Maisan, Brgy. Sto. Domingo ng naturang lugar.
Kasabay nito, hiniling din ni Ombudsman Aniano Desierto kay PNP Chief Director General Leandro Mendoza na kasuhan din ang tatlo ng administratibo bago sibakin sa puwesto. (Ulat ni Grace Amargo)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
20 hours ago
Recommended