Pumatay ng amo hinatulang mabitay
June 28, 2001 | 12:00am
ANTIPOLO CITY Hinatulang mabitay kahapon ng Antipolo City Regional Trial Court ang isang lalaki na napatunayang pumatay sa kanyang amo may tatlong taon na ang nakararaan sa Sitio Halang, Brgy. San Roque ng naturang lungsod.
Bukod sa hatol na kamatayan, inatasan ni Judge Mauricio Rivera ng Branch 73 ang akusadong si Eric Guillermo na magbayad ng halagang P1.6 milyon sa biktimang si Victor Keyser, may-ari ng RF Keyser Corp.
Binalewala ng korte ang alibi ng akusado na wala siyang sama ng loob sa sariling amo at hindi niya maaring patayin ang biktima.
Subalit lumalabas sa mga ebidensya ng pulisya na inamin naman ng akusado na pinatay niya ang sariling amo dahil sa pagmamaltrato at pandaraya sa pasuweldo. (Ulat ni Danilo Garcia)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest