^

Probinsiya

2 biktima ng summary execution natagpuan

-
KAWIT, Cavite – Dalawang lalaki na pinaniniwalaang biktima ng summary execution ang natagpuan ng mga awtoridad sa liblib at madamong lugar sa Barangay Putol ng bayang ito kahapon ng umaga.

Ang mga biktima ay may taas na 5’5 at tinatayang may edad na 18 hanggang 20-anyos, kapwa walang saplot sa katawan at nakatali ng alambre sa magkabilang kamay at leeg nang matagpuan ng mga awtoridad sa naturang lugar.

May palatandaan din ang mga biktima na pinahirapan dahil sa mga pasa sa ibat ibang bahagi ng kanilang katawan bago pinatay.

May teorya ang pulisya na mula sa ibang bayan at itinapon lamang ang mga biktima sa nasabing lugar upang lituhin ang mga imbestigador. (Ulat ni Mading Sarmiento)

vuukle comment

BARANGAY PUTOL

BIKTIMA

CAVITE

DALAWANG

MADING SARMIENTO

ULAT

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with