6 crew ng lumubog na barko patay na
June 28, 2001 | 12:00am
Pinaniniwalaang dedo na ang anim na tripulante ng lumubog na fishing vessel sa karagatang malapit sa Batanes island noong June 23.
Batay sa ulat na nakarating kahapon sa Camp Aguinaldo, nabigo pa rin ang magkakasanib na rescue team ng Pinas, Japan at Taiwan na matagpuan ang mga biktima sa lumubog na F/V Qing-Qing Fa Nr 16 malapit sa naturang isla.
Sa unang araw ng paghahanap ng Phil. Air Force sa naturang karagatan ay walang makitang palatandaang may lumubog na barko o survivors.
Nabatid pa na ang nasabing fishing vessel ay may lulang isang Pinoy, Taiwanese at apat na Indonesian national ng ito ay lumubog may isang linggo na ang nakaraan.
Napag-alaman pa na nakapagpadala pa ng SOS message ang mga tripulante sa Phil. Coast Guard, Taipei Rescue Coordinating Center at sa International Rescue Center sa Okinawa, Japan habang lumulubog ang nasabing vessel.
Patuloy pa rin nagbabakasakali ang search and rescue team sa paghahanap sa mga crew ng lumubog na barko buhay man o patay. (Ulat ni Joy Cantos)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest