Ang biktima na halos magutay ang katawan sanhin ng taga ng itak sa ibat ibang bahagi ng kanyang katawan ay nakilalang si Menita Baranda, 62, habang ang ama namang hinostage ng suspek ay hindi nabatid ang pangalan.
Samantala, ang suspek na boluntaryong sumuko matapos ang may ilang minutong negosasyon ay nakilalang si Benjamin Baranda, binata, mangingisda at pawang mga residente ng naturang isla.
Sa inisyal na pagsisiyasat ng pulisya, nag-ugat ang pagpatay sa biktimang ina makaraang ma-praning ang suspek dahil sa pagkakabasted ng nililigawang babae.
Dakong alas 9:30 ng umaga nang humingi ng tulong ang ilang malapit na kapitbahay sa pulisya na mabilis naman rumesponde subalit hinostage naman nito ang kanyang ama.
Nabatid pa sa pulisya na ang nililigawang babae ng suspek ay isa sa anak mayaman sa naturang lugar kaya tinanggihan ang inaalok na pag-ibig ng suspek. (Ulat ni Ed Casulla)