^

Probinsiya

Mayon update: Pagbaha ng putik nakaamba

-
LEGASPI CITY, Albay – Tinatayang aabot sa 50 milyong cubic meter na volcanic material ang nakaambang bumulusok mula sa Bulkang Mayon kapag bumuhos ang malakas na ulan at posibleng matabunan ang libu-buong kabahayang sakop ng 8 kilometer Permanent Danger Zone (PDZ).

Ito ang napag-alaman sa ilang opisyal ng disaster team na ayaw ipabanggit ang pangalan, kaya sa kasalukuyan ay pinaghahandaan na ang pagbaha ng putik dahil sa pagpasok ng buwan ng tag-ulan sa naturang lalawigan.

"Nanatili pa rin nasa ilalim ng Alert Level 5 ang kondisyon ng Mayon volcano at ang Extended Danger Zone sa timog-silangan ng Mabinit, Bonga, Maranag at Buyuan" anang Philvolcs.

Sa ngayon ay umaabot nasa 32, 686 evacuees na nasa may 36 evacuation center sa Albay ang nasa ligtas na kalagayan.

Subalit nagbabala naman ang mga opisyal ng Department of Health na posibleng kumalat ang anumang uri ng sakit dahil sa siksikan ang evacuees sa mga silid, kakulangan ng sanitasyon at ang matagal na exposure sa volcanic ashes. (Ulat ni Ed Casulla)

ALBAY

ALERT LEVEL

BONGA

BULKANG MAYON

BUYUAN

DEPARTMENT OF HEALTH

ED CASULLA

EXTENDED DANGER ZONE

PERMANENT DANGER ZONE

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with