^

Probinsiya

41 pupils, 2 guro nalason sa amoy ng beer

-
BACOLOD CITY – Apatnapu’t isang estudyante at dalawang teachers mula sa Patricia Elementary School sa Barangay Granada ang nakaranas nang pagkahilo at nagsusuka makaraang makalanghap ng nakakasukang amoy mula sa nasirang tangke na pagawaan ng alak ng kompanya ng San Miguel Corporation kahapon ng umaga.

Nabatid sa ulat na mabilis namang isinugod sa Riverside Medical Center at Doctor’s Hospital ang mga biktima nang nagrespondeng Emergency team ng naturang kompanya.

Ayon kay Safety Officer Noel Lopena, dakong alas-8:15 ng umaga ng kumalat ang nakakasukang amoy na nagmula sa nawasak na otolizing tank sa gusali ng production ng beer.

Tumagal ng may 30 minuto ang pagkalat ng nakakalasong amoy sa loob ng naturang eskuwelahan.

Idinagdag pa ni Lopena na namataan niya ang mga estudyante na nagsusuka, nagrereklamo ng paninikip ng dibdib, pananakit ng ulo at tiyan kaya nag-panic ang mga ito sa loob ng nabanggit na school.

Napag-alaman naman kay Dr. Jovy Vergara ng City Health Department na maaaring ikamatay ng mga biktima kung sakaling hindi kaagad nakumpuni ang nasirang tangke na ginagamit sa pagproseso ng waste yeast.

Kasalukuyang naman nagpatawag na ng technical conference si environmental officer Benjamin Cuales Jr. ng DENR upang pag-usapan at imbestigahan ang naganap na pangyayari. (Ulat ni Antonieta Lopez)

ANTONIETA LOPEZ

APATNAPU

BARANGAY GRANADA

BENJAMIN CUALES JR.

CITY HEALTH DEPARTMENT

DR. JOVY VERGARA

PATRICIA ELEMENTARY SCHOOL

RIVERSIDE MEDICAL CENTER

SAFETY OFFICER NOEL LOPENA

SAN MIGUEL CORPORATION

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with