US$ 1.125B pekeng federal notes nasabat
June 27, 2001 | 12:00am
DAVAO CITY – Tinatayang aabot sa halagang US$1.125 bilyon federal notes at gold bullion certificates na pinaniniwalaang mga peke ang nasabat ng mga ahente ng PNP-Aviation Security Group (ASG) sa mag-asawa noong Lunes ng umaga sa Davao International Aiport.
Dinakip naman ng mga awtoridad ang mag-asawang kinilalang sina Klaus Dietrich Salzieder, 53, tubong Humburg,Germany at ang asawa nitong si Virginia Josefina na kapwa residente ng 67 Rose Avenue, Pilar Village, Las Piñas City.
Ayon sa ulat ni C/Supt. Marcelo Ele, Jr. hepe ng PNP-ASG, ang mag-asawa ay na-intercept dakong alas-6:50 ng umaga sa naturang paliparan patungong Maynila sakay ng Islander Aircraft (RP-C764), isang pribadong eroplano na pagmamay-ari ni Manny Barabas at nakarehistro sa ilalim ng Chemtrad Aviation.
Nakalagay ang mga pekeng US federal notes, gold bullion certificates, 250 pirasong dollar bonds, 4 pirasong Green Cards, insurance certificate sa isang kulay itim na bag na may nakatatak na "Federal Reserve of the United States of America".
Sinabi ni Klaus sa mga awtoridad na ang nasabat na US federal notes ay ipinadala lamang sa kanya ng isang nagngangalang Sam at dalhin sa isang alyas Jim Bredson sa Manila Peninsula Hotel sa Ayala, Makati City.
Kinumpirma naman ni David Popp, representative mula sa US Secret Service sa Manila na ang nakumpiskang federal notes ay pawang mga bogus. (Ulat nina Butch Quejada, Joy Cantos at Rose Tamayo)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
By Tony Sandoval | 21 hours ago
By Cristina Timbang | 21 hours ago
By Tony Sandoval | 21 hours ago
Recommended