OFW misteryosong namatay

LA TRINIDAD, Benguet – Isa na namang Overseas Filipino Worker (OFW) mula sa Taiwan ang nakatakdang iuwi ng nakalagay sa kahon.

Si Nicanor Pasingan, isang factory worker sa Inn Sinn Enterprises sa Kaoshsiung County, Taiwan mula pa noong Febrero 1999 ay misteryosong namatay noong Hunyo 9, 2001.

Lumalabas sa autopsy ng Taiwan police na si Pasingan ay namatay dahil sa internal hemorrhage subalit ayon sa mga lumalabas na balita na ang biktima ay namatay sa pamamagitan ng kuryente o kaya atake sa puso.

Humingi na ng tulong ang ina ni Pasingan na si Rosalia sa pamunuan ng Overseas Workers Welfare Authority (OWWA) at sa Manila Economic and Cultural Office (MECO) upang mapadali ang repatriation ng bangkay ng kanyang anak.

Hiniling din ni Rosalia sa mga kinauukulan na magsagawa muli ng panibagong pagsusuri sa bangkay ni Pasingan at kasuhan ang sinumang may kagagawan ng pagkamatay nito. (Ulat ni Artemio Dumlao)

Show comments